METRO MANILA – Inanunsyo ng Energy Utilization Management Bureau na maglulunsad sila ng programa para sa mas mabisang na paggamit ng kuryente sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Kaugnay ito ng administrative order ng pangulo na pabilisin ang implementasyon ng Government Energy Management Program (GEMP).
Layon ng programa na pababain ang konsumo ng mga empleyado ng gobyerno sa kuryente at petroleum products upang mapababa ang monthly expenses ng gobyerno.
Ayon sa Department of Energy (DOE), noong 2023 nang hindi pa pinaiigting ang GEMP nakatipid ang gobyerno ng nasa P300 million sa konsumo sa kuryente at P25 million naman sa konsumo sa petroleum products.
Maaari anilang mabigyan ng insentibo ang mga opisina ng gobyerno na makakatipid sa konsumo ng enerhiya pagkatapos ng taon.