Ibinahagi ni Pangulong Aquino kay Colombian President Juan Manuel Santos ang mga programa ng gobyerno na makakatulong laban sa isyu ng kahirapan.
Ilan sa mga ito ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at Philhealth Universal Health Care.
Sinabi ng Pangulong Aquino na ang naturang mga programa ang tumutugon sa isyu sa kahirapan na dati nang nagdulot ng mga pagaaklas.
Ang poverty issues ay parehong hamon lamang aniya sa Pilipinas at Colombia.
Ipinahayag ito ng Pangulo sa isinagawang Bilateral meeting ng dalawang bansa sa Malacanang kaninang umaga.
Bukod dito, binati ni Pangulong Aquino ang lider ng Colombia dahil sa pagsulong ng peace process at negosasyon sa pagitan ng Colombian Govt. At Revolutionary Armed Forces.
Inalok din ni Pangulong Aquino si Pres. Santos ng tulong at payo kaugnay sa usapin ng peace process sakaling kailanganin nito.
(Jerico Albano/UNTV Radio Reporter)
Tags: bilaterla meeting philippines, colombian president manuel santos, Pangulong Aquino, poverty