Sinimulan ng ipatupad ng ilang oil company noong June 1 ang isang Bigtime price rollback sa produktong petrolyo at Liquified Petroleum Gas (LPG) habang ang iba ay hahabol pa ngayong araw at bukas.
Mahigit P6 kada kilo o halos P70 kada tanke ang matitipid ng mga consumer sa presyo ng LPG.
Ayon sa mga manufacturer, P6.25 ang bawas sa kada kilo ng Petron Gasul at Phoenix habang P6.09 naman sa presyo ng kada kilo ng Solane.
Malaki rin ang bawas presyo sa mga produktong petrolyo,sa Shell, Petro Gazz at Seaoil, P1.70 kada litro ang mababawas sa presyo ng gasolina, P1.05 kada litro sa diesel, at piso naman kada litro sa kerosene.
Nauna naman ng nagpatupad ng rollback ang Phoenix Petroleum noong June 1 sa kaparehong presyo ng ibang kumpanya ng langis.
Ang Bigtime oil price rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa world market.
(Mon Jocson | Untv News)