Produksyon ng sibuyas sa tinaguriang onion capital ng bansa, bumaba ngayong taon

by Radyo La Verdad | March 7, 2016 (Monday) | 6363

GRACE_SIBUYAS
Tatlong bayan sa Nueva Ecija ang bumaba ang ani ng sibuyas dahil sa pananalasa ng bagyong Lando at Nona noong nakaraang taon.

Ang mga ito ay ang bayan ng Laur, Gabaldon at Bongabon.

Hanggang sa ngayon, nagsasagawa pa rin ng clearing operation ang provincial government sa may isang daang ektaryang taniman ng sibuyas.

Ayon sa mga magsasaka, kung noong ay umaani sila ng limang daang sako ng sibuyas sa bawat isang ektraya,ngayon umaabot na lamang sa isang daan at tatlumpo.

Ito ay dahil sa makapal na banlik o putik na tumabon sa ekta-ektaryang taniman nila ng sibuyas at gulay.

Sa tala ng municipal agriculture ng bayan ng Bongabon, nasa dalawang libo na lamang mula sa dating 2,500 ektarya ng lupa ang natataniman ng sibuyas.

Hindi rin naging maayos ang paglaki ng mga tanim nilang sibuyas kaya mura lamang nila itong naipagbibili.

Samantala, bilang tulong sa mga nagtatanim ng sibuyas, namahagi ang provincial government ng mga binhi ng sibuyas at abono na nagkakahalaga ng limang milyong piso.

Nagbigay rin ang local na pamahalaan ng Nueva Ecija ng clearing operation assistance sa mga magsasaka na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso upang gumanda na ang kanilang ani sa susunod na anihan sa Mayo.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , ,