Bumaba ng mahigit sa apat na porsiyento ang produksiyon ng palay at mais s bansa nitong first quarter ng taon dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.
Base sa datos ng Philippine Statistic Authority, nawala ang 9.97 percent ng dapat sanay naaning palay at 19.07 naman sa mais.
Nauna nang sinabi ng Department of Agriculture na mahigit sa 900 libong tonelada sa produksyon ng palay ang posibleng mawala bago pa man tumama ang pinakamatinding epekto ng El Niño.
Ayon sa National Food Authority sa kabila ng mababang ani hindi ito makaka-apekto sa presyo ng bigas dahil sapat naman ang supply nito sa bansa at hindi pa rin nakakapagpasya kung mag-aangkat pa ng bigas ngayong taon.
(UNTV NEWS)
Tags: produksiyon ng palay