Isa sa ipinagmamalaking prutas ng mga Dabawenyo ang durian.
Ayon sa Davao City Council, pang-apat na ang durian sa may pinakamaraming produksyon na prutas sa bansa.
Kaya’t umaasa ang ahensiya na mahihigitan pa ang produksyon ng durian ngayong taon mula sa 30,000 tons hanggang 36,000 tons. Ito ay dahil sa lumalaking demand ng durian sa bansa na umabot na 60 porsyento.
Ayon sa Davao Durian Council, dapat pang dagdagan ang mga hektaryang tinataniman ng mga pangunahing prutas sa rehiyon gaya durian, cacao, saging at niyog.
Sa ngayon ay nasa 2,500 na hektarya lamang ang kabuoang lawak ng tinatanimang durian.
Naapektuhan aniya ito dahil sa pananalasa ang bagyong Yolanda noong 2013.
Samantala, magkakaroon naman ng Durian Festival sa ika-10 ng Agosto sa Davao City para itampok ang iba’t-ibang klase ng durian sa rehiyon.
( Marisol Montaño / UNTV Correspondent )
Tags: Dabawenyo, Davao Durian Council, durian