Produksyon ng 12,000 litro ng ethyl alcohol na may virgin coconut oil, inaasahang matapos ng PUP ngayong Marso

by Erika Endraca | March 11, 2021 (Thursday) | 2052

PASIG CITY, Philippines – Inaasahang matapos ng Polytechnic University of the Philippines- Institute for Science and Technology Research (PUP-ISTR) ang produksyon ng ethyl alcohol na may virgin coconut oil (VCO) sa katapusan ng Marso ngayong taon.

Nakatakdang ipamahagi ang mga produkto sa PUP Community, 5 ospital, 2 police station at 24 na barangay.

Aabot naman sa P4.9-M ang inilaang pondo ng Commission on Higher Education (CHED) upang maisagawa ang naturang inisyatiba laban sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon kay Dr. Armin S. Coronado ng ISTR, idinagdag nila ang VCO sa kanilang mga produkto dahil sa anti-viral properties nito.

Matatandaang noong nakaraang taon ay kabahagi rin ang PUP-ITSR sa paggawa ng mga ethyl alcohol para masapatan ang pangangailangan ng publiko kontra COVID-19.

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,