Produksiyon ng isdang bangus sa Tacloban, bumaba noong 2016

by Radyo La Verdad | January 3, 2017 (Tuesday) | 4584

bangus
Pinag-aaralan na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang sanhi ng pagbaba ng produksoyon ng bangus sa Tacloban City noong nakaraang taon.

Ayon sa BFAR, magandang klase ang napro-produce na bangus ng fisherfolks association sa Tacloban North, subalit nang umpisahan na umano ang site development ng housing projects sa Tagpuro area ay bumaba na ito.

Ayon sa City Agriculturist Office, aabot sa 3,000 kilos kada fish cage ang kanilang na-harvest na bangis sa Tacloban North noong una.

Mahigit pitong libong fingerlings ang laman ng bawat cage na nasa 150 sa kabuuan.

Samantala, bilang pandagdag naman sa kita ng mga mangingsda, isang fish processing plant ang planong itayo ng lokal na pamahalaan sa norte.

Sa ngayon ay nagpasa na ang ahensiya ng proposal para sa isasagawang training gayundin ng ilalagay na water source sa norte para sa proyekto.

Ipinahayag rin ng BFAR na ngayong taon magbibigay sila ng gill nets, crab pot at fish pot sa mga mangingisdang ire-rekomendang mabigyan ng local government units.

(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)

Tags: ,