Productivity bonus para sa mga kawani ng gobyerno, aprubado na ng Pangulo

by dennis | May 16, 2015 (Saturday) | 1606
File photo: UNTVweb.com
File photo: UNTVweb.com

Inaprubahan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang 2015 Productivity Enhancement Incentive (PEI) na nagkakahalaga ng P30.65 billion para sa mga empleyado ng pamahalaan kabilang ang mga kawani ng state universities and colleges (SUCs).

Sa isang panayam sa media, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na nilagdaan ni Pangulong Aquino ang Executive Order 181 na naglalaman ng mga alituntunin sa pagbibigay ng PEI sa mga ahensyang lumagpas sa inaasahang financial at operational performance targets.

Layon ng kautusan na magbigay ng motibasyon sa mga manggagawa ng pamahalaan na paghusayin pa ang kanilang serbisyo sa publiko.

Para sa fiscal year 2015. Ang PEI ay katumbas ng P5,000 o isang buwang halaga ng basic salary as of May 31, 2015. Ang naturang insentibo ay dapat ibigay bago sumapit ang unang araw ng Hunyo.

Tags: , , ,