Production cost ng palay, posibleng mapababa sa pamamagitan ng teknolohiya ng PHilMech

by Radyo La Verdad | June 17, 2016 (Friday) | 2307

REY_PALAY
Maaaring mapakinabang ang mga teknolohiya ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization o PHilMech sa pagpapababa ng production cost o gastos sa pagtatanim ng palay.

Ayon kay outgoing Director Rex Bingabing, sa ngayon ay nasa 10-11 pesos kada kilo ang production cost sa pagtatanim ng palay subalit kaya itong pababain sa P7.50.

Ito’y base sa kanilang pagaaral sa regions 1,2 at 3 dalawang taon na ang nakalilipas.

Ginamit ng PHilMech ang teknolohiya ng combined harvester kung saan mas kaunti ang nasasayang o natatapong butil at kakaunti ang man power na kailangan sa pag-aani.

Ayon sa PHilMech, naipamahagi na nila ang 10% ng kabuoang pangangailangan sa farm mechanization at kailangan ng suporta ng private sector upang mas maraming makinarya ang magamit ng mga magsasaka.

Mas mapapababa pa ang production cost kung bababa rin ang ibang input.

Sa ibang bansa gaya ng Vietnam ay mas mababa pa ang gastos sa produksyon ng palay.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: ,