Procurement process para sa Dengvaxia vaccine, hindi umano nasunod ng DOH, ayon sa ilang dating health official

by Radyo La Verdad | December 8, 2017 (Friday) | 3696

Umabot na sa mahigit walong daang libo ang bilang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Ayon sa DOH, nadagdag sa listahan ang mga nabigyan ng first dose ng dengue vaccine sa Central Visayas noong June 2017

Samantala, inihayag naman ni former Health Undersecretary Susan Mercado na hindi nasunod ang tamang proseso ng procurement sa Dengvaxia. Aniya may mga hakbang na dapat na sundin sa pag-iintroduce ng bagong bakuna lalo na ang pagsusumite ng panukalang pondo para sa pagbili ng bakuna.

Una, dapat dumaan muna ito sa National Immunnization Committee, Executive Committee of the Department, General Appropriations Act sa Kongreso.

Ayon pa sa dating opisyal, hindi binigyan ng permiso ng Formulary Executive Commitee ng DOH na bilhin ang kabuuang P3.5 billion na halaga ng bakuna kontra dengue virus. Simula pa lang aniya ay tutol na ang FEC na gamitin ito sa mass vaccination.

Bago pa man pumutok ang isyu sa Dengvaxia, sinabi na ni former Health Secretary Paulyn Ubial sa exclusive interview ng Get it Straight with Daniel Razon na minadalini dating health Secretary Janette Garin ang procurement nito.

Aniya bumuo pa siya ng Fact Finding Committee hinggil dito subalitwalang naging resulta ang imbestigasyon hanggang sa umalis siya sa pwesto. Nandigan din daw siya noon na dapat ihinto ang Dengue Immunization Program.

Ayon sa DOH, kung iligal at hindi tama ang procurement ng mga ito ay hinabol na sana sila ng Commission on Audit.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,