Ipinagkaloob na ng UNTV-Breakthrough and Milestones Productions International (UNTV-BMPI) sa Philippine National Police ang proceeds ng Songs for Heroes concert.
Ang P6 million ay para sa mga naulila ng SAF Gallant 44 na namatay habang gumaganap ng tungkulin sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.
Tinanggap ito ng PNP sa pangunguna ng officer in charge nito na si Police Deputy Director General Leonardo Espina at iniabot naman ni UNTV-BMPI Vice President for Administration Gerry Panghulan.
Ayon kay Espina, malaking tulong ito sa mga sa pamilya ng SAF44 at may programa na ang kanilang comptroller kung papaano ito ipamamahagi.
Higit pa aniya sa halagang naipagkaloob ang comfort na naidulot nito sa damdamin ng mga kaanak ng Gallant 44.
Ang pagtulong na ito sa pamilya ng SAF44 ay bilang supporta ni Bro Eli Soriano at Members Church of God International gayun din ang UNTV sa pagpatnubay naman ni Kuya Daniel Razon.
Bukod sa naibigay na halaga ay makikipag-ugnayan narin ang PNP sa La Verdad Christian College para naman sa alok na libreng edukasyon sa mga dependent ng SAF 44.(Rey Pelayo/UNTV Correspondent)
Tags: Leonardo Espina, PNP, SAF44, Songs for Heroes, UNTV, UNTV-BMPI