Problema sa informal settlement sa bansa, binigyang diin ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | May 5, 2022 (Thursday) | 1193

METRO MANILA – Tinalakay ni President Rodrigo Duterte ang problema tungkol
sa informal settlement sa bansa sa ginanap na ground breaking ceremony sa
Pampanga Provincial Hospital-Clark sa San Fernando City, Pampanga.

Kaalinsabay nito, muling pinaalala ng pangulo sa Department of
Agrarian Reform(DAR) na ipamahagi na sa mga tao ang lahat ng idle
government-owned lands bago ang pagbaba niya sa puwesto sa darating
na Hunyo.

“My orders to the Department of Agrarian Reform, basta lahat ng lupa ng sa gobyerno ‘pag may squatters na, ibigay mo na,” ani President Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, ayaw niyang makarinig ng excuses mula sa ahensiya na
gagamitin ang mga idle government-owned lands sa hinaharap. Ayon sa kaniya, may sapat
na pera ang pamahalaan upang bumili ng lupa sakaling kailanganin ito
para sa future projects.

Matatandan na February 15, 2019, nang lagdaan ng pangulo ang
Executive Order No. 75 na nag-uutos sa lahat ng ahensiya na
tukuyin ang mga government-owned lands na maaring maipamahagi
sa mga qualified beneficiaries.

Kasama rin sa EO ang pag-atas sa DAR na tukuyin ang mga
hindi ginagamit na agricultural lands na pagmamay-ari ng gobyerno
upang maipamahagi sa mga karapatdapat na benipisaryo.

(Kyle Nowel B. Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: