Problema sa bagahe at flight delays, kadalasang reklamo ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport

by Radyo La Verdad | March 23, 2016 (Wednesday) | 14777

NAIA
Kasabay ng pagdagsa ng mga pasahero ngayong long holiday ay ang pagdagsa rin ng mga reklamo ng mga pasahero sa NAIA complex.

Lalo na ngayon araw na inaasahan ang mas malaking bulto ng mga pasahero na dadagsa sa NAIA.

Umaabot ng halos dalawang daan ang delayed flights na naitatala ng Manila International Airport Authority sa Ninoy Aquino International Airport kada araw.

Ito ay mga domestic flight na karamihan ay naka schedule mula alas tres hanggang alas dyes ng umaga.

Ayon sa MIAA, hindi pa lubusang maiiwasan ang mga ganitong problema.

Naglagay ang Civil Aeronautics Board o CAB ng help desk sa NAIA upang mas mabilis na maaksyunan ang reklamo ng mga pasahero.

Dalawampung mga bagong Public Relation Officer o PRO din ang ikinalat sa apat na terminal ng NAIA complex.

Ang mga ito ang makasasagot ng lahat ng mga katanungan ng mga pasahero hinggil sa Passenger Bill of Rights

Ang mga problema gaya ng mga nasirang bagahe o flight delays ay kaya ng ma resolba ng CAB sa ilang oras lamang

Sa mga sitwasyon na hindi nila kayang ma resolba, ibinibigay ito ng CAB sa kanilang legal office upang maaksyunan.

Hinikayat ng CAB ang mga pasahero na alamin ang kanilang mga karapatan sa mga paliparan.

Kapag umabot ng tatlong oras ang delay ng biyahe, may karapatan ang pasahero na humingi na pagkain sa airline company, libreng tawag, text o email kung kinakailangan, rebook o refund ng ticket o di kayay ma endorso sa ibang airline company.

(Mon Jocson/UNTV NEWS)

Tags: ,