Idinulog na problema ng isang driver ukol sa SAP ng DSWD, tinugunan sa Serbisyong Bayanihan

by Radyo La Verdad | April 30, 2020 (Thursday) | 27713

METRO MANILA – Idinulog ni Manuel Diola sa programang Serbisyong Bayanihan ni Kuya Daniel Razon nitong Lunes, ika-27 ng Abril ang kanyang problema dahil hindi niya natanggap ang ayuda para sa kanya mula sa Social Amelioration Program ng DSWD at para mailapit na mismo ito sa ahensya.

Nang malaman kasi ng reperesentantive ng DSWD na siya ay driver, ay naudlot ang pagtanggap nito ng ayudang pera mula sa SAP at sinabi sa kanya nito na makipag-ugnayan na lang siya sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Agad inaksyunan ng programang Serbisyong Bayanihan ang problema ni mang Manuel. Tinawagan ng programa ang DSWD Regional Director ng NCR na si Mr. Vic Tomas upang resolbahin ang suliranin.

Si Mang Manuel ay naninirahan sa Brgy. Lawang Bato, Valenzuela City. Walang itong kinabibilangang transport sector kung kaya hindi qualified na tumanggap ng ayuda na manggagaling sa LTFRB.

Sa panayam ni Kuya Daniel Razon kay Dir. Vic Tomas, sinabi nito na makikipag-ugnayan siya sa mga DSWD personnel na nagtungo kina mang Manuel upang alamin kung ano na ang status ng Social Amelioration Program form niya upang mula sa hakbang na ito hanggang sa matapos ang iba pang requirements ay maibigay na kay mang Manuel ang ayudang pinansyal mula sa SAP.

Nagpasalamat naman si Diola sa mabilis na pakikipag-ugnayan ng programang Serbisyong Bayanihan sa DSWD upang siya ay makatanggap na ng ayuda mula sa gobyerno.

Kung mayroon kayong katanungan patungkol sa Social Amelioration Program ng DSWD, maaaring makipagugnayan sa programang Serbisyong Bayanihan.

Tags: , , ,