Problema ng edukasyon at agrikultura, dapat pag-ukulan ng CCT program – Sen. Cynthia Villar

by Radyo La Verdad | September 9, 2016 (Friday) | 4188

JAPHET_SEN.VILLAR
Nais ni Sen. Cynthia Villar na baguhin ang modelo ng kasalukuyang Conditional Cash Transfer o CCT program ng pamahalaan upang maisama ang agriculture sector ng bansa.

Sa ngayon ay prayoridad ng CCT program ang pagsugpo ng problema sa edukasyon at kalusugan ng mga beneficiaries.

Ayon sa senadora, malaki naman ang inilaan na pondo ng kongreso para sa universal health care at tinututukan rin ito ng Department of Health gayundin ng iba pang ahensya tulad ng Philhealth.

Paliwanag ni Senator Villar, kung ibabatay ang CCT program sa agriculture sector ay maraming mahihirap na mga magsasaka at mangingisda sa mga rural areas ang matutulungan.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,