Probisyon ng balikbayan boxes sa Customs Modernization and Tariff Act, posibleng amiyendahan – Sen. Sonny Angara

by Radyo La Verdad | August 4, 2017 (Friday) | 4592

Hindi sang-ayon si Senate Committee on Ways and Means Chairperson Sonny Angara sa interpretasyon ng Department of Finance  sa ilang probisyon ng Customs Modernization and Tariff Act.

Ayon sa senador, base sa naging Implementing Rules and Regulation sa probisyon ng duty and tax-free balikbayan boxes, nalimitahan lamang sa P150,000 kada taon ang halaga ng goods na maaring malibre sa tax.

Paglilinaw ni Angara, ang tunay na intensyon ng batas ay payagan ang mga Pilipino sa abroad na makapagpadala ng hanggang tatlong P150,000 halaga ng package sa isang taon. Ngangahulugan aniya ito na maaari silang magpadala ng hindi hihigit sa P450,000 worth of goods bawat taon.

Kaya naman kung magpapatuloy aniya ang hindi pagkakaunawaan ukol dito, isusulong niya na amyendahan ito.

 

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,