Probisyon na appointment ng OIC sa mga barangay, planong tanggalin na sa brgy. at SK posponement bill

by Radyo La Verdad | September 19, 2017 (Tuesday) | 1305

Iniakyat na ng Vice Chairman ng Electoral Reforms Committee na si Senator Richard Gordon sa plenaryo ang panukalang pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon sa Senador, plano na niyang tanggalin ang kontrobersyal na probisyon na pagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo na mag-appoint ng officer in charge. Ilang amiyenda ang kaniyang idadagdag sa panukalang polls posponement. May pagkakaiba ang bersyon na ito ng senado sa una nang naipasang panukala sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Sa senate version, ipagpapaliban ang eleksyon sa October 2018 habang sa May 2018 sa House version. Kung agad na makakapasa sa senado ay pag-uusapan pa sa Bicameral Conference Committee ang ilang mga kontra probisyon ng panukala.

 

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: ,