Probinsya ng La Union, walang naitalang casualty sa pagdaan ng Bagyong Rosita – PDRRMO

by Radyo La Verdad | October 31, 2018 (Wednesday) | 17868

Humina na ang hangin sa lungsod ng San Fernando, La Union  at ambon na lang din ang nararanasan ngayong araw.

Wala ring naitalang casualty sa lalawigan batay sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Kumpara noong pananalasa ng Bagyong Ompong, mas kakaunti ang evacuees na inilakas sa mga paaralan.

Gaya na lamang sa Catbangen Elementary School kung saan umabot sa 800 pamilya ang inilikas noong Bagyong Ompong, ngunit ngayon ay nasa 50 na pamilya ang narito.

Kahapon ay nagkaroon ng pre-emptive evacuation sa 14 na coastal barangays upang masiguro na walang kahit isang masasalanta sa banta ng 3 meter storm surge sa La Union.

Pinaalalahanan ng PDRRMO ang mga magsasaka at mga may fish pond sa probinsya na habang hindi malakas ang pag-ulan sa probinsya ay i-harvest na nila ang kanilang mga pananim, maging iyong mga bangus at tilapya sa mga fish pond.

Inaasahan na mas magiging maayos na ang panahon ngayon araw dahil papalabas na ng bansa ang Bagyong Rosita sa Philippine area of responsibility (PAR).

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,