Mahigpit ang ipinatutupad na seguridad ng Philippine National Police sa buong Western Visayas matapos ang naganap na pambobomba sa Davao City.
Agad na itinaas sa full alert status ang PNP Region 6 at hindi muna pinapayagang magfile ng leave of absence ang mga pulis at pinababalik sa trabaho ang mga naka onleave.
Mas pinalakas ang police visibility sa mga matataong lugar at mga posibling target ng terorismo tulad ng mga mall, plaza, paaralan at iba pa.
Pinaigting din ang mga isinasagawang random checkpoint sa lahat ng entrance at exit points sa rehiyon.
Mahigpit din ang ipinatutupad na seguridad sa mga paliparan, pantalan at terminal sa iba’t-ibang probinsya.
Pinapayuhan naman ang publiko na maging alerto at agad isumbong sa kinauukulan kung may makikitang kahina-hinalang tao o bagay sa isang lugar.
Samantala katuwang ng pnp ang Armed Forces of the Philippines sa pagbabantay ng seguridad sa buong rehiyon.
Magpapatuloy ang full alert status hangga’t hindi pa idiniklara ni President Duterte na ligtas na ang bansa.
(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)
Tags: nakafull alert status, nangyaring pambobomba sa Davao City