Pro at Anti Marcos Groups, nagrally sa UST Manila kasabay ng VP debate

by Radyo La Verdad | April 11, 2016 (Monday) | 1109

PRO-ANTI-MARCOS
Nagharap sa UST Manila ang Pro at Anti Marcos Groups.

Tutol ang Anti Marcos Group sa pagtakbo ni Senador Ferdinand Marcos bilang pangalawang pangulo ng bansa.

Ayon sa kanila “ No Vote for Dictatorship” at di rin dapat iboto ang anak ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Dapat din daw isoli ng pamilya Marcos ang mga ninakaw nila sa bansa.

Sa kabila nito patuloy naman ang pagsigaw ng Pro Marcos ng “ Marcos pa rin”.

Pabor ang mga ito sa tambalan nina Senador Miriam Santiago at Senador Marcos sa May 9 elections.

Ayon sa mga Pro Marcos, hindi pipiliin ni Senador Miriam ang Senador kung may pagkakamali ito.

Mistulang nagdedebate rin ang Pro at Anti Marcos Group kasabay ng Vice Presidential debate kahapon.

(Bryan de Paz/UNTV NEWS)

Tags: ,