Private schools hindi required na mag-adjust ng school calendar – DepEd

by Radyo La Verdad | February 23, 2024 (Friday) | 6290

METRO MANILA – Nilinaw ngayon ng Department of Education (DepEd) na hindi required ang mga private school na mag-adjust ng kanilang academic calendars, katulad ng gagawing pagbabago sa mga public school.

Sa isang panayam sinabi ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, na hindi mandatory sa private schools na sumunod sa itinakdang school calendar ng DepEd para sa mga pampublikong paaralan .

Sinabi naman ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na dumaan sa tamang konsultasyon sa mga stakeholder ang naging hakbang ng DepEd.

Aniya, unang isinagawa ang konsultasyon sa National Capital Region (NCR) at sinundan ng iba pang rehiyon sa bansa.

Dagdag pa ni VP Sara, lumalabas na marami ang pabor sa unti-unting pagbabalik sa old school calendar.

Batay sa DepEd Order No. 3 series ng 2024, ang kasalukuyang school year ay magtatapos sa Mayo 31, habang ang school break ay sa Hunyo 1 hanggang Hulyo 26.

Tags: ,