Private owners ng MRT3 kumpiyansang tuluyan ng maiaayos ang MRT sa ilalim ng pamumuno ni Duterte

by Radyo La Verdad | May 13, 2016 (Friday) | 3270

MACKY_MRT
Kumpiyansa ang MRT Holdings na tuluyan ng maisasaayos at maibabalik ang magandang serbisyo ng MRT3 sa ilalim ng pamumuno ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon kay MRT Holdings President Bob Sobrepeña, isa sa prayoridad ni Duterte ang pagsasaayos ng MRT upang masolusyonan ang kalbaryo ng mga mananakay sa Edsa araw-araw.

Kapahapon, sa pakikipagusap ni Sobrepeña kay Duterte inilatag nito ang kanyang proposal para sa fast track rehabilitasyon ng MRT3.

Plano ng private owners na makatrabahong muli ang Somitomo na dating maintenance contrator nito para sa rehabilitasyon ng MRT3.

Layunin nito na maisaayos ang mga pasilidad, makapagpalit ng bagong riles at magdagdag ng mas marami pang tren

Para tuluytuloy din ang byahe ng mga pasahero ay nais ng MRTH na ikonekta ang MRT sa LRT Monumento station.

Tinatayang aabutin ng tatlong taon bago matapos ang proyektong ito na gagastusan ng $700 million dollars.

Ayon sa MRTH, kapag naisakatuparan ay inaasahan na bababa ang singil sa pasahe dito at aabot ng mahigit isang milyong pasahero ang maisasakay ng MRT araw-araw.

(Macky Libradilla / UNTV Radio Correspodent)

Tags: , , ,