Private doctors, mag-iikot sa mga mahihirap na lugar sa bansa upang magbigay ng sapat kaalaman at tamang paggamot sa hika

by Radyo La Verdad | April 27, 2018 (Friday) | 2417

Gugunitain ang World Asthma Day sa ika-1 ng Mayo. Kaugnay nito, nais ng mga espesyalista na makatulong na mapigil ang pagdami ng asthma-related deaths sa bansa.

Kaya naman mag-iikot ang private doctors sa mga mahihirap na lugar sa bansa upang makapagbigay ng sapat na impormasyon sa publiko sa hika at kung paano ito magagamot.

Kabilang dito ang Philippine Society of Allergy, Asthma at Immunology (PASAAI), Philippine College of Chest Physicians, Philippine Academy of Pediatric Pulmonolgists at Philippine Academy of Family Physicians.

Magiging pilot area ng asthma education ang Northern Samar at Aklan.

Batay sa pag-aaral, mahigit sampung milyong Pilipino ang may asthma at karamihan sa kanila ay natutuklasan ito kapag nagpatingin sa doktor.

Ayon sa mga doktor, mahalaga na kumunsulta upang malaman kung ano ang dahilan o ang nakaka-trigger sa asthma ng isang indibidwal.

Kadalasan sa nagti-trigger ng asthma ay alikabok, amag, balahibo ng hayop,  pollen ng halaman at maging ng usok ng sigarilyo.

Kapag hindi alam gamutin o i-kontrol ang asthma ay maaaring magigng sanhi ng kamatayan.

Pang-siyam ang Pilipinas sa buong mundo na may mataas na bilang ng asthma-related deaths batay sa pag-aaral ng clinical asthma.

Nguni’t wala pang eksaktong bilang sa kasalukuyan kung ilang Pilipino ang namamatay araw-araw araw dahil sa uncontrolled asthma.

Panawagan ng mga eksperto, makiisa sa pagsugpo at pagbibigay ng edukasyon kontra asthma.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,