PRISM project ng DA, makatutulong upang maagapan ang pananim ng mga magsasaka bago ang kalamidad

by Radyo La Verdad | March 30, 2017 (Thursday) | 8272


Malaki ang maitutulong ng Philippine Rise Information System Project o PRISM sa pagpaplano ng Department of Agriculture.

Layon ng PRISM na mangalap ng impormasyon sa mga palayan at tukuyin ang mga kakulangan upang matulungan ang mga stakeholder.

Ayon kay IRRI Deputy Director Bruce Tolentino, ginagamitan ito ng satellite technology para makita kung anong klase at gaano karami ang pananim sa bansa.

Minsan na aniya itong nasubukan nang manalasa ang bagyong Lando sa bansa noong 2015.

Ayon naman kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, magging giya din ang PRISM sa mga magsasaka.

Maari itong makapamili kung anong binhi ang dapat itanim sa pamamagitan ng impormasyon na manggagaling sa PRISM.

Popondohan ang PRISM ng P25-30M sa taong 2018.

(Rey Pelayo)

Tags: , , ,