Nais matiyak ng Philippine National Police-Highway Patrol Group na hindi na makakatakas pa ang primary suspect sa multibillion peso rent-sangla scam na si Rafaela Anunciacion.
Kaya naman patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa kinaroroonan nito matapos itong pansamantalang makalaya.
Ayon kay PS/Insp. Jem Delantes, oras na maisampa na nila ang kaso kaugnay ng rent-sangla tiyak na hindi na makakawala pa ang suspect dahil walang inirerekomendang piyansa para sa kasong syndicated staffa.
Nais naman makatiyak ng isa sa mga biktima nito na mapapanagot ang mga suspect upang hindi na makapambiktima pa ng iba.
Sa ngayon hiniling na ng PNP-HPG sa Bank Security Managers Association of the Philippines o BSMA na imbestigahan ang bank credit investigators o bank personnel na posibleng sangkot sa nasabing sindikato.
Sa 1,800 na mga sasakyang involve sa rent-sangla scam mahigit anim na raan ang narecover ng HPG at mahigit dalawang daan dito ay naibalik na sa mga biktima.
Habang ang iba sa mga sasakyan ay hindi pa mahanap kung saan na napunta.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: magpiyansa, PNP, Prime suspect, Rafaela Anunciacion, rent- sangla scheme