Nagpahayag ng paghanga si Russian Prime Minister Dmitry Medvedev sa ipanakitang pagangat ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi ito ni Medvedev sa isinagawang Bilateral Meeting ng Russia at Pilipinas.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., dahil dito’y ibig palawakin ng Russia ang economic cooperation sa Pilipinas partikular sa energy, telecommunications at transport infrastructure.
Samantala, personal na inimbitahan ni Medvedev si Pangulong Aquino na dumalo sa Moscow Expo on Transportation sa susunod na taon.
Nagpaabot naman ng pagbati kay Pangulong Aquino si Russian President Vladimir Putin na hindi nakarating sa APEC Summit.
Pagkatapos ng bilateral meeting, dalawang kasunduan ang nilagdaan ng Pilipinas at Russia.
Ang mga ito ay ang Joint Commission on Trade and Economic Cooperation at Cooperation in Combating New Psychoactive Substances.
Nagpahayag din si Medvedev ng planong pagbubukas ng Russia para sa military at defense cooperation. (Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)
Tags: ekonomiya, Pilipinas, Prime Minister, Russia