Nagbitiw sa pwesto ang prime minister ng Iceland na si Sigmundur Gunnlaugsson dahil sa pagkakasangkot nito sa Panama papers scandal.
Ang Panama papers ay mga nagleak na financial transactions ng mga pulitiko at public figures sa buong mundo na hindi umano nagbabayad ng buwis.
Batay sa dokumento hindi umano nagbabayad ng buwis ang asawa ng prime minister sa mga asset nito sa ibang bansa bagay naman na itinanggi ng opisyal.
Noong Lunes libo libong Icelanders ang nagtipon sa parliament upang ipanawagan ang pagbaba sa pwesto ng lider.
Ilan sa mga sangkot na personalidad ay sina Russian President Vladimir Putin, Chinese President Xi Jinping, British Prime Minister David Cameron, ang football star na si Lionel Messi at marami pang iba.