Primary pupils sa Singapore, pumapangalawa sa global reading literacy study

by Radyo La Verdad | January 23, 2018 (Tuesday) | 3153

Base sa isang international test na tinatawag na Progress in International Reading Literacy Study, ang mga bata sa Singapore ang pangalawa sa mga primary pupils na pinakamagagaling magbasa. Mas mataas pa ang ranking ng Singapore sa United States na hindi man lang pumasok sa top ten.

Ang test na ibinibigay tuwing five years na nagsimula noong 2005 ay kinapapalooban ng mga question tungkol sa worldwide web, ito ang unang pagkakataon na isinama sa mga tanong ang tungkol sa mga impormasyon sa internet upang malaman kung paano nag-aadapt ang mga bata sa pag-unlad ng teknolohiya.

Mahigit sa 319,000 na mag-aaral sa iba’t-ibang bansa ang kumuha ng test na sponsored ng International Association of Evaluation of Educational Achievement.

Sa 58 na mga bansa, nanguna ang Russia, pangatlo ang Hongkong, pang-apat ang Ireland at panglima ang Finland.

Hindi naman kasama dito sa large-scale reading assessments na ito ang Pilipinas.

 

 

 

 

Tags: , ,