Price freeze sa ilang bilihin, mananatili hanggang November 3 – DTI

by Radyo La Verdad | September 23, 2016 (Friday) | 2288

grace_price-freeze
Mananatili hanggang November 3 ang price freeze na ipinatupad ng Department of Trade and Industry o DTI sa mga basic commidity.

Una nang pinatupad ang price freeze noong Sept.4 ilang araw pagkatapos ng pambobombang nangyari sa Davao City.

Sa DTI, ang presyo ng sardinas ay mabibili pa rin mula P12.50 hanggang P14.50.

Tinapay ay P21.50 hanggang P60.00.

P7.10 hanggang P8.50 naman ang instant noodles.

P5.00 hanggang P72.00 naman ang mga bottled water depende sa dami at brand.

Mabibili naman ang powdered milk ng P45.75 hanggang P159.00

Habang P16.75 hanggang P68.00 ang kape.

Subalit nilinaw ng DTI na ang price freeze sa kerosene at LPG ay tapos na dahil base sa batas 15-araw lamang tumatagal ang price freeze dito.

Nanawagan naman ang DTI sa publiko na i-report sa kanila ang sinumang mga negosyanteng lalabag sa Republic Act 7581 o ang price act.

Base sa batas, ang mga mapapatunayang hindi susunod dito ay maaring patawan ng multang aabot sa isang milyong piso at pagkakakulong na hanggang 10 taon.

Sa mga nais magtanong o magsumbong sa DTI maaari tumawag sa kanilang hotline 751-3330.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,