Price freeze sa buong BARMM, epektibo na matapos ang deklarasyon ng State of Calamity

by Radyo La Verdad | May 7, 2024 (Tuesday) | 1359

METRO MANILA – Epektibo na ang price freeze sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos ang deklarasyon sa buong rehiyon dahil sa El niño phenomenon.

Layunin ng nasabing price freeze na maprotektahan ang mga mamimili sa biglaang pagtaas ng mga bilihin at posibleng pagtaas ng inflation sa lugar.

Hindi rin maaaring tumaas o bumaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa loob ng 60 araw.

Ayon sa Bangsamoro government, umabot na sa mahigit 31,500 magsasaka ang apektado sa rehiyon dahil sa El niño, habang nasa mahigit 32,000 ektaryang lupain naman ang napinsala.




Tags: ,