METRO MANILA – Nanawagan ang Department of Energy (DOE) sa concerned downstream oil industry stakeholders na simulan ang kanilang monitoring activities at buksan ang kani-kanilang disaster risk preparedness at response protocols dahil sa naging epekto ng bagyong #OdettePH sa rehiyon ng Mindanao at Visayas.
Kaugnay rito magpapatupad ng price freeze sa LPG at kerosene sa ilang lugar alinsunod sa declaration of State of Calamity nitong December 17, nangangahulugan sa loob ng 15-araw ay mananatili sa kasalukuyan ang presyo sa petsa ng deklarasyon.
Dahil rito ipapatupad ang roll-backs para sa mga produktong ito habang di pinapayagan ang ano mang uri ng increased, ito ay naaayon sa polisiya ng estado upang masigurado na patuloy at sapat ang supply ng produktong petrolyo lalo na kapag mayroong kalamidad.
Narito ang mga sumusunod na lugar na isinailalim sa State of Calamity.
•Bohol City (December 17)
•Butuan City (December 17)
•Cebu Province (December 17)
•Jose Panganiban, Camarines Norte (December 17)
•Cebu City (December 18)
Nanawagan din ang DOE sa publiko na bantayan at agad na ipagbigay alam sa kanila ang mga hindi sumusunod sa ipinatutupad na price freeze upang mabigyan ng karampatang aksyon ng ahensya.
Tiniyak ng ahensya na nakikipagtulungan sila sa lahat ng industry player para masigurado na gumagana ang lahat ng pasilidad ng langis sa lahat ng oras.
(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)
Tags: DOE