Inaasahang isisilbi bukas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang six month preventive suspension na ipinalabas ng office of the Ombudsman laban kay Makati Mayor Junjun Binay, kaugnay ng umano’y maanomalyang transaksyon sa pagtatayo ng Makati City Hall II parking building na nagkakahalaga ng P2.2 bilyon.
Araw din ng Lunes posibleng ilabas ng Court of Appeals (CA) ang kanilang desisyon hinggil sa petisyon ng kampo ni Mayor Binay na temporary restraining order (TRO)
Nakiusap rin ang kampo ni Mayor Binay na hintayin muna ng DILG ang pasya ng CA bago isilbi ang suspension order upang maiwasan na magkaroon ng gulo sa pagitan ng DILG at mga tagasuporta ng alkalde na patuloy na nagdaraos ng vigil sa Makati city hall.
Ayon sa tagapagasalita ni Binay na si Atty. Rico Quicho , sakali anyang hindi makakuha ng paborableng desisyon mula sa CA ay saka nila pag-aaralan ang kanilang susunod na hakbang.
Tags: Court of Appeals, DILG, Junjun Binay, Makati City, TRO