Presyo ng tinapay, malabo pang ibaba – bakers association

by dennis | April 9, 2015 (Thursday) | 3197
File photo: UNTVweb
File photo: UNTVweb

Inihayag ng grupo ng mga panadero na malabo pa silang magbaba ng presyo ng tinapay taliwas sa naunang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI).

Paliwanag ng Filipino-Chinese Bakers Association, mahal pa ang presyo ng kanilang kinukuhang harina na umaabot sa P850.00 kada sako at mababa ang demand ngayon ng tinapay.

Ngayong panahon ng tag-init, may mangyayari rin anyang taas-presyo sa ilang sangkap ng tinapay tulad ng asukal.
Tiniyak naman grupo na magbaba sila ng presyo ng pandesal oras na bumaba ang presyo ng mga pangunahing sangkap sa paggawa nito.

Tags: , , ,