METRO MANILA – Tumaas na naman ang presyo ng sibuyas sa merkado.
Umaabot na ngayon sa P160 hanggang P200 ang kada kilo ng sibuyas sa mga palengke sa Metro Manila base sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA).
Ayon sa mga magsasaka ng sibuyas, halos tapos na ang anihan at nasa P120 ang huli nilang benta kada kilo.
Pero may dagdag na anila itong P15 kada kilo dahil sa gastos sa renta sa cold storage, upa sa tauhan at nabawasan narin ang timbang.
Base sa datos ng Bureau of Plant Industry, halos 13,000 metriko tonelada ng puting sibuyas ang mayroon sa bansa na tatagal hanggang sa Setyembre.
Ang pulang sibuyas naman ay mahigit pa sa 98,000 metriko tonelada na tatagal naman hanggang Nobyembre.