Presyo ng sibuyas, posibleng makasunod na sa P250/kilo SRP – SINAG

by Radyo La Verdad | January 4, 2023 (Wednesday) | 3485

METRO MANILA – Bumaba na ang presyo ng sibuyas na hinahango sa mga magsasaka.

Ayon sa Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), posibleng maramdaman narin ito sa mga palengke sa mga susunod na araw.

Sa ngayon sa Metro Manila ay may mabibili na uli na P400 kada kilo.

Bago matapos ang taon ay naglagay ng Suggested Retail Price (SRP) na P250 ang Department of Agriculture (DA) sa sibuyas na iiral hanggang sa unang linggo ng Enero.

Pagkatapos nito ay pupulungin muli ng DA ang mga grupo na nakaugnay sa sibuyas kung kailangang babaan ang SRP.

Nanawagan naman ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga nagtitinda ng sibuyas na ibenta ang sibuyas sa (SRP) nito.

Isinama ng kagawaran ang sibuyas sa kanilang mga binabantayan kaugnay narin sa utos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bantayan ang presyo ng mga bilihin.

Tags: , ,