Presyo ng school supplies sa ilang bookstore sa Recto at Morayta, nakasunod sa itinakdang SRP ng DTI

by Radyo La Verdad | May 24, 2016 (Tuesday) | 2006

AIKO_SRP
Ininspeksyon ngayong araw ng Department of Education, Department of Trade and Industry at Senate Committee on Trade and Industry ang ilang bookstore sa Maynila upang tiyakin kung nakakasunod ang mga ito sa Suggested Retail Price para sa school supplies.

Kabilang sa pinuntahan ng mga ito ang national bookstore sa Recto at ang Morayta bookstore.

Isa-isang kinumpara ang presyo ng mga notebook, pad paper, ballpen, lapis at ilan pang gamit pang- eskwela sa itininakdang SRP na inilabas ng DTI ngayong taon.

Wala namang nakita ang mga kagawaran na produktong hindi naisunod sa itinakdang SRP.

Kasabay din ng inspeksyon ang pagpapaskil ng listahan ng SRP o ang “gabay sa pamimili ng school supplies” sa loob ng mga bookstore.

Ang mga gamit pang-kulay o crayons ay sinuri naman ng Food and Drug Administration kung hindi lagpas sa 90 parts per million ang lead content ng mga ito.

Ayon naman kay DTI Secretary Adrian Cristobal, hindi lamang presyo ng school supplies ang kanilang mino- monitor sa kanilang pag-iikot sa mga pamilihan.

Ginagabayan naman ng DEPED ang mga magulang at mag- aaral sa pagbili ng mga mura at may kalidad na school supplies.

Ikinatuwa naman ng Senate Committee on Trade and Industry na karamihan sa mga produkto ay abot- kayang bilhin ng consumers.

Payo ng DTI at DEPED sa mga magulang, bukod sa presyo ng school supplies ay dapat tiyakin din na ligtas sa anumang nakakalasong kemikal ang mga bibilhing gamit sa mga bookstore at pamilihan at nasuri ng maigi ang mga produkto bago ilabas sa merkado.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , , , , ,