Manila , Philippines – Tumaas ng P1 – P2 ang presyo ng mga ibinibentang school supplies sa Divisoria sa Maynila.
Ayon sa ilang tindera, asahan na tataas pa ang presyo habang papalapit ang pasukan.
Pero mas mura pa rin ito kumpara sa mga itinitinda sa mga mall at bookstore. Ang note book ibinebenta ngayon sa halagang P12 hangang P15 depende sa klase.
Habang ang P15 ang kada pad paper at P20 naman ang intermidiate pads.Ang mga ballpen nasa P10 – P20 ang kada piraso.
Habang ang plastic envelope nasa P6 – P8 depende sa klase. Mabibili naman sa halagang P65 ang crayola na 16 pieces habang P80 pesos P24.
And cartolina at manila paper P5 kada piraso pero mas makakamura kung bulto ang bibilhin. Kung kailangan mo rin ng plastic cover, nasa P35 – P70 na ang bentahan ngayon.
Para naman sa mga gustong bumili ng bagong school bag, nasa P200 – P350 ang presyo . Kung bagong uniform naman ang hanap mo, makakabili kana sa halagang P80 – P100 sa blouse at P60 – P100 naman sa shorts at pantalong pamasok.
Sa sapatos naman nasa P250 – P380 ang bagong pares. Habang ang medyas nasa P10 kada pares at mayroon ring mabibili ng 3 for P50.
Samantala pinuna rin ng grupong Laban Konsyumer ang pagtataas ng presyo na ilang school supplies na ibinebenta sa mga mall. Habang P1 – P4 ang ipinatupad na price increase.
(Joan Nano | Untv News)
Tags: DTI, Presyo ng school supplies