Magtataas ng presyo ang mga de-latang sardinas sa susunod na buwan.
50 hanggang 60 sentimos ang iniabiso ng Canned Sardines Association of the Philippines sa Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon kay Marvin Lim, presidente ng manufacturing group, ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng raw materials, petrolyo, labor at maging paghina na piso.
Wala namang inaasahang pagtaas sa presyo ng de-latang conned beef at meatloaf.
Samantala, magpapatupad naman ng fishing ban ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa buong Zamboanga Peninsula para sa isdang tamban na ginagawang sardinas simula sa ika-1 ng Disyembre hanggang ika-1 ng Marso.