Presyo ng produktong Petrolyo tataas ngayong Linggo

by Radyo La Verdad | April 8, 2019 (Monday) | 1538

Metro Manila, Philippines – Tataas ang presyo ng produktong petrolyo ngayong Linggo matapos ang maliit na rollback noong nakaraang Linggo.

Ayon sa mga industry player, magkaroon ng P0.15 hanggang P0.25 kada litro na dagdag presyo sa Gasolina, P0.10 to P0.20 kada litro sa Diesel at P0.10  to P0.15 naman sa Kerosene.

Ang oil price hike ay bunsod sa paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo sa world market.

Samantala, natapos na ng Department of Energy (DOE)  ang circular sa “unbundling of fuel prices”. Iyon ang maguutos sa mga oil company na ihayag kung paano nila pinepresyuhan ang produktong petrolyo.

Noon, ang nakakarating lamang sa DOE ay ang mismong presyo na ipatutupad para sa partikular na Linggo. Pero ngayon, linggo-linggo nang magsusumite ng datos ang mga oil company sa doe kabilang na ang ibat ibang datos

Kabilang sa datos na isusumite ng mga oil company ay ang presyuhan sa world market, presyo sa refining, retailing cost, taxes and duties at profit margin

Bukod dito, magsasagawa na rin ng taunang pagsusuri ang doe sa naging takbo ng presyo ng petrolyo sa buong taon

Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng transparency at maiiwasan ang umanoy pagsasamantala ng mga kumpanya ng langis sa presyo ng petrolyo

“Nakikita na po natin na mismo yung base price ay mayroong ng kasamang review ng government hindi lang yung adjustment na weekly na ginawa natin, this will resolve yung mga comments before na that price has not change yung base price hindi nagbago mula ng ma dereg wayback 1998” ani Rino Abad director ng Oil Industry Management Bureau.

Tags: