Presyo ng produktong petrolyo, malabong bumaba hanggang Disyembre – DOE

by Radyo La Verdad | September 19, 2023 (Tuesday) | 1507

METRO MANILA – Naghahanap na ng mga paraan ang pamahalaan upang mapagaan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Undersecretary Sharon Garin, wala pang indikasyon na bababa na ito sa mga nalalabing buwan ng 2023.

Sinabi ng DOE official na batay sa kanilang projection, pagkatapos pa ng Disyembre mababawasan ang oil prices.

Sa ngayon, pinag aaralan na rin ng kagawaran ang suhestyon ng mga mambabatas sa tulong na rin ng pribadong sektor.

Tags: