Presyo ng produktong petrolyo, inaasahang tataas ng hanggang piso ngayong linggo

by Radyo La Verdad | August 7, 2017 (Monday) | 5480

Sa ikatlong sunod na linggo, inaasahang tataas muli ang presyo ng produktong petrolyo. Sa pagtaya ng mga oil industry player, nobenta hanggang piso ang madaragdag sa kada litro ng gasolina.

Sitenta hanggang otsenta sentimos naman ang posibleng dagdag presyo sa diesel habang otsenta hanggang nibenta sentimos naman sa bawat litro ng kerosene.

Kung susumahin mula noong Enero, tinatayang aabot na sa six pesos and sixty sentavos ang itinaas ng presyo ng gasolina kumpara sa halos anim na pisong ini-rollback nito.

Anim na piso at singkwenta sentimos naman ang tinatayang kabuoang rollback sa presyo ng diesel habang mahigit pitong piso naman ang itinaas nito.

 

Tags: , ,