Posibleng tumaas ngayong linggo ang presyo ng ilang produktong petrolyo.
Ayon sa oil industry players, lima hanggang sampung sentimo ang maaring madagdag sa halaga kada litro ng gasolina habang singko sentimos o di kaya ay walang maging paggalaw sa halaga ng diesel.
Samantala, posible ring magpatupad ng dalawang piso hanggang dalawang piso at singkwenta sentimos na dagdag presyo sa kada kilo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG.
Nangangahulugan ito ng dalawamput dalawa hanggang dalawamput pitong pisong dagdag sa halaga ng bawat regular na tangke ng LPG.
Tags: posibleng tumaas ngayong linggo, Presyo ng mga produktong petrolyo