Presyo ng mga produktong petrolyo, muling tataas ngayong linggo

by Radyo La Verdad | July 2, 2018 (Monday) | 3641

Pagkatapos ng big time rollback noong nakaraang linggo, muling magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa oil industry players, 50 hanggang 60 sentimos kada litro ang posibleng itaas sa halaga kada litro ng gasolina, diesel at kerosene.

Samantala, nagtaas naman ng presyo kahapon ang ilang brand ng liquified petroleum gas (LPG).

90 sentimos kada kilo ang itinaas ng Petron Gasul o nasa sampung piso bawat 11-kilogram na tangke at 91 sentimos kada kilo naman ang itinaas ng Solane o mahigit sampung piso sa bawat 11-kilogram na tangke.

Tags: , ,