Presyo ng mga produktong petrolyo, muling tataas ngayong linggo

by Admin | February 26, 2018 (Monday) | 5769

Matapos ang dalawang linggong rollback, magtataas naman muli ngayong linggo ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa pagtaya ng oil industry players, tataas ng 80-90 centavos per liter ang presyo ng diesel.

Ang gasolina naman ay may 55-65 centavos kada litro na dagdag singil at ang kerosene ay P1.00 – P1.10 per liter.

Samantala, nakatakda rin tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa susunod na buwan.

Tinatayang nasa 60 centavos o mahigit 6 na piso sa 11 kilogram cylinder ang itataas ng LPG simula sa buwan ng Marso.

Ang pagtaas sa presyo ng LPG ay dulot ng paggalaw sa presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Tags: , ,