Posibleng magkaroon ng panibagong paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Ayon sa oil industry players, posibleng tumaas ng dies hanggang beinte sentimos kada litro ang halaga ng diesel.
Posible namang bumaba ng mula dies hanggang beinte sentimos ang halaga kada litro ng kerosene.
Samantala, wala pa namang nakikitang posibleng paggalaw sa halaga ng gasolina.
Tags: may panibagong paggalaw ngayong linggo, Presyo ng mga produktong petrolyo