Presyo ng mga produktong hindi napatawan ng excise tax, posible ring tumaas

by Radyo La Verdad | January 5, 2018 (Friday) | 3914

Dalawa hanggang tatlong libong piso ang planong dagdag-singil ng mga truckers sa kanilang mga kliente.

Ayon sa grupo ng mga truckers, 45% ng kanilang serbisyo ay naka-depende sa presyo ng produktong petrolyo. Kung dati ay sampung libong piso ang delivery charge mula Pier hanggang Bulacan, ngayon ay aabot na ito ng labing tatlong libong piso.

Subalit hindi payag ang asosasyon ng mga supermarket at sinabi na may malaki itong epekto sa presyo ng mga bilihin.

Subalit ayon sa Department of Trade and Industry, limang porsyento lamang ang transport cost sa pagtatakda ng halaga ng mga produkto sa mga pamilihan.

Sa sinomang may sumbong na makakakita ng labis na dagdag-presyo sa ilang produkto, maaari itong isumbong sa DTI Hotline Number ‎751-3330.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,