Presyo ng mga isda sa mga palengke sa Metro Manila, paiimbestigahan ng BFAR

by Radyo La Verdad | November 14, 2018 (Wednesday) | 4911

Paiimbestigahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung bakit mataas ang presyo ng ilang klase ng isda kumpara sa suggeted retail price (SRP) na inilabas ng ahensya.

Kanina ay personal na binisita ni Department of Agrigulture Undersecretary at BFAR Director Eduardo Gondona ang ilang palengke sa Metro Manila kabilang ang Tandang Sora, Muñoz, Balintawak at Kamuning Market. Kapansinpasin na mataas ang presyo ng galuggong.

Umaabot sa P190 ang presyo nito sa Muñoz at Tandang Sora habang nasa P140 lamang ang SRP nito.

Gayundin ang bangus na umaabot pa sa P220 sa Tandang Sora habang ang SRP naman nito ay P160 lamang.

Ayon sa opisyal, wala pang indikasyon para baguhin o itaas ang SRP.

Kahit na naapektuhan aniya ng bagyo ang ilang mga palaisdaan sa Northern at Central Luzon, nasa 140% pa ang supply ngayon ng bangus sa bansa.

Nagdadatingan na rin aniya ang bahagi ng 17 libong metriko tonelada ng galunggong na inangkat ng bansa.

Ayon naman sa mga nagtitida, nasa 25-30 piso lamang ang kanilang patong dahil mataas din ang kanilang binabayaran lalo na sa pwesto.

Tinukoy ni Gongona ang mga trader na posible umanong nagmamanipula ng presyo. Pagpapaliwanagin ang mga ito at posibleng mapatawan ng multa at pagkakakulong kung mapatutunayang lumabag sa batas.

 

( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,