Presyo ng mga bilihin, tumaas noong Abril ayon sa mga ekonomista

by Radyo La Verdad | May 4, 2018 (Friday) | 6721

4.6% ang tinatayang inflation rate o itinaas ng presyo ng mga bilihin nitong nakaraang Abril.

Ang itinuturong dahilan ng mga ekonomista, ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na sinabayan ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Ilan sa mga nagtaas ng presyo ay ang bigas, de lata, mga produktong gumagamit ng papel, sugar sweetened beverages at mga serbisyo at produktong gumagamit ng langis.

Noong Abril lamang, tatlong linggong sunod-sunod na tumaas ang presyo ng produktong petrolyo. Naniniwala ang mga ekonomista na magtutuloy-tuloy ang inflation ngayong taon.

Makakabawi lamang ang bansa kapag natapos ang mga proyektong imprastraktura at masolusyunan ang ilang suliranin gaya ng problema sa trapik.

Ayon naman sa mga consumer group, dapat umaksyon ang pamahalaan upang matulungan ang publiko.

Nanawagan ang Laban Konsyumer na madaliin ng Korte Suprema ang paglalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa TRAIN law.

Ngayong araw ay ilalabas na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang kanilang ulat kaugnay sa inflation sa unang quarter ng taong 2018.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,