Presyo ng mga bakuna, confidential dahil ongoing pa ang negosasyon sa mga manufacturer

by Erika Endraca | January 19, 2021 (Tuesday) | 663

METRO MANILA – Hindi pa rin maaaring ihayag ng Department Of Health (DOH) ang presyo ng Covid-19 vaccines ngayon dahil kasalukyan pa rin ang pakikipag-negosasyon ng pamahalaan.

Lalo na’t nakapaloob ito sa confidentiality disclosure agreeement sa pagitan ng pamalaan at mga vaccine manufacturer.

“But now just to be clear meron na pong mga presyong negotiated na and naka- enclose dito sa cdas ng bawa’t manufacturers “ ani DOH Spokesperson, Usec Maria rosario Vergeire.

Dumepensa rin ang DOH sa mga nakita sa online sites na presyo ng Covid-19 vaccines mula sa tanggapan ni senate commitee on finance Sen. Juan Edgardo Angara.

Batay sa datos, pangalawa sa pinakamahal na Covid-19 vaccine ang mula sa Sinovac na isa sa nais bilhin ng pamahalaan.

Mas mahal pa umano ito sa presyo ng Pfizer na may EUA na sa bansa.

Iba’t ibang komento rin ang ipinahayag ng publiko kaugnay sa presyo ng naturang bakuna.

Ayon sa senador ang datos na ito ay mula rin sa DOH na ibinigay sa kanila sa senate hearing 2 buwan na ang nakakalipas.

Ayon kay Usec Vergeire, galing lamang din ito sa mga inilathalang maket prices ng vaccine manufacturers at hindi ang aktwal na halaga batay sa mga isinagawa nang negosasyon sa mga pharmaceutical company.

“So these prices that were posted ay kinuha po ng ating legislators kasi nga po galing naman sa official source, doh pero ang tagal na po ng lumipas.” ani DOH Spokesperson, Usec Maria rosario Vergeire.

Samantala, pinabulaanan naman ng palasyo ang ulat na mataas ang presyong nakuha ng pamahalaan sa mga bibilhing bakuna.

“Hindi magkakalayo ang presyo ng bakunang Sinovac sa presyo na binili po ng Indonesia. Ito po ay mahigit kumulang 650 pesos per dose at hindi naman po lalampas sa 700 peso.” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: